Naglaan ang Taguig City Government ng P1 billion na budget para sa pagbili ng iba’t-ibang uri ng COVID-19 vaccines para matulungan ang gobyerno sa vaccination rollout.
Ayon sa Taguig local government unit (LGU) na ang nasabing pagbili ng uri ng bakuna ay para paghandaan sakaling tamaan sila ng iba’t-ibang uri ng variants ng COVID-19.
Sa kasalukuyan kasi ay may mga kasunduan na ang lungsod ng Taguig sa iba’t-ibang pharmaceutical companies gaya ng Novavax, Covaxin at AstraZeneca.
Sa nasabing halaga ay makakatiyak na lahat ng kanilang mga mamamayan ay matuturukan ng bakuna laban COVID-19.
Ilan sa mga target ng Taguig na mabilhan ay ang Moderna.
Sinabi naman ni Taguig Mayor Lino Cayetano na hindi na sila maghihintay ng bakuna pa na manggagaling sa national government.