-- Advertisements --

Sinimulan na ng Taguig City Government ang pamamahagi ng mga food packs sa 28 barangay na kanilang nasasakupan mula ng ipatupad ang enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR) Plus.

Sa tulong ng mga Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team ay inisa-isa nila ang mga kabahayan para mamamhagi ng mga food packs.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano na layunin ng pamamahagi ng mga food packs ay para maiwasan ang mga residente na lumabas pa at maiwasan ang pagkahawa sa virus.

Ang nasabing food packs ay kayang abutin hanggang limang araw.