-- Advertisements --

Pormal nang inulunsad kanina, Pebrero 3, ang groundbreaking ng Taguig City Integrated Terminal Exchange (TCITX) na magdudugtong sa ginagawang North-South Commuter Railway sa Metro Manila subway project.

Ang proyekto ay isang public-private partnership at inaasahang makukumpleto sa 2027 at magsisimula ng operasyon sa unang bahagi ng 2028.

Ang TCITX na katulad ng Paranaque Intergraded Terminal Exchange (PITX) ay inaasahang makikinabang ang nasa 160,000 na mga komyuter at 5,200 na pampublikong sasakyan araw-araw.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Under Secretary Jesus Ferdinand Ortega ang TICTX ay isang multi-modal terminal na itatayo sa higit 5-ektaryang lupa sa Arca South, Taguig City na magbibigay ng serbisyo sa mga city at provincial buses pati narin sa maliliit na public utility vehicle.

Aabot naman sa mahigit P5 billion ang inilaan para sa naturang proyekto at balak rin ng DOTR na magsagawa ng feasibility study para sa isang katulad na terminal sa NCR.