-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte dahil sa naging pasya nito na mamagitan sa 10 Barangay mula sa Makati City na iginawad sa kanila ng korte suprema.
Ayon sa alkalde na mahalaga na DepEd na lamang ang mamuno sa 10 paaralan na nasa Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangay dahil sa pagmamatigas ni Makati City Mayor Abby Binay.
Sa nasabing hakbang aniya ay hindi na malilito ang mga mag-aaral at guro ng apektadong paaralan kung saan sila papanig.
Magugunitang mayroong 10 barangay ng Makati City ang inilipat sa Taguig City matapos na igawad sa kanila ng Korte Suprema dahil sa ilang taon ng awayan sa boundary.