-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang malaking bilang na recovery rate sa mga nadadapuan ng coronavirus.
Ayon kay sa alkalde, mayroong 97.51% ang recovery rate na naitatala sa nasabing lungsod.
Sa bilang aniya na 8,608 na kaso na nadapuan ng virus ay mayroong 8,394 ang gumaling na.
Nangangahulugan dito na mayroong 1.75% na lamang ang natitira o 151 na aktibong kaso lamang.
Dahil dito ay itinuturing na ang lungsod na may mababang fatality rate sa buong Metro Manila.
Isa sa naging solusyon aniya kaya mataas ang bilang ng recovery rate ay ang pagtutulungan ng mga residente.
Bawat barangay aniya ay ginagawa nila ang kanilang mga makakaya para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nahahawaan.