-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nangunguna sa medal tally ang mga atleta ng Taguig City sa 2019 PSC Batang Pinoy Games Luzon qualifying leg na ginaganap sa Ilagan City.

Ang Taguig City ay mayroon nang 9 golds, 9 silvers at 7 bronze na karamihan ay mula sa larong karatedo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO2 Raquel Laforte, coach ng Taguig City Karatedo na bukod sa kanilang pagsasanay ay palagi silang sumasali sa iba’t ibang kompetisyon.

Sa apat na beses na nilang pagsabak sa Batang Pinoy Games Luzon Qualifying Leg ay tatlong beses na silang tinanghal na overall champion sa karatedo kaya umaasa siyang muli nilang makukuha ang kampeonato.

Samantala, pangalawa ang koponan ng Quezon City na mayroong 9 golds, 1 silvers at 4 bronze; pangatlo ang San Jose City, Nueva Ecija na mayroong 8 golds, 5 silvers at isang bronze; pang-apat ang Baguio City na 7 golds, 9 silvers at 7 bronze; panglima ang Laguna Province na may 7 golds, 7 silvers at 9 bronze; pang-anim ang Pasig City na may 5 golds, 5 silvers at 4 bronze.

Ang Dagupan City ay pangpito ay mayroon nang 4 golds, 4 silvers at 2 bronze; pangwalo Puerto Pincesa na may 3 golds, 2 silvers at 1 bronze.

Ang team ng Cainta, Rizal ang pangsiyam na mayroong 3 golds, 1 silvers, 1 bronze habang pang-10 ang Paranaque City na mayroong 3 golds at 9 bronze.