-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang kanilang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod ng Taguig.
Ito ay matapos na maabot ng lungsod ang isang milyon na bilang na kanilang nabakunahan sa lungsod.
Sila na ang pang-apat na lungsod sa Metro Manila na mayroong milyon na residente ang nabakuhan na kinabibilangan ng Manila, Quezon City at Caloocan City.
Dahil dito ay patuloy ang kanilang gagawing mobile vaccination at home service vaccination sa mga bedridden kung saan tiniyak nila na magiging ligtas at accessible ang pagpapabakuna sa lungsod.