![taguig1](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/08/taguig1.jpg)
Kinumpirma ng Taguig local government na “all systems go” na para sa taunang “Brigada Eskwela” kung saan isinama na nito ang ang 14 na EMBO public schools na nailipat mula sa Department of Education-Division ng Makati City patungo sa Division of Taguig-Pateros.
Ito’y kasunod ng naging desisyon ng Supreme Court na hinggil sa territorial dispute ng dalawang siyudad.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, may inilatag ng plano ang mga opisyal ng Taguig at Dep-Ed Division ng Taguig-Pateros Superintendent at mga principal ng EMBO schools para sa gagawing synchorize efforts para sa isang maayos na pagsisimula ng iba’t ibang mga inisyatiba hinggil sa edukasyon.
Ang 14 na public schools sa EMBO area, ay ang mga sumusunod:
Makati Science High School
Comembo Elementary School
Rizal Elementary School
Pembo Elementary School
Benigno “Ninoy” S. Aquino High School
Tibagan High School
Fort Bonifacio Elementary School
Fort Bonifacio High School
Pitogo Elementary School
Pitogo High School
Cembo Elementary School
East Rembo Elementary School
West Rembo Elementary School; at
South Cembo Elementary School
Ang mga nasabing public schhols ay kasalukuyang nasa pamumuno at supervision ng Division of Taguig-Pateros by virtue of DepEd-National Capital Region Memorandum Order (MO) No. 2023-735 na nilagdaan ni DepEd Regional Director Wilfredo Cabral na inisyu nuong August 4, 2023 kung saan inaatasan ang mga LGU’s para sa isang smooth and orderly transition at turn-over ng management and supervision ng mga tinukoy na eskwelahan at maging ang mga personnel.
Sa isinagawang pulong kasama ang mga school principals, DepEd Taguig-Pateros Superintendent Dr. Cynthia Ayles, siniguro ni Mayor Cayetano na makikipag tulungan sila para maging maayos ang paglipat ng pamamahala.
Magugunita na nuong buwan ng Hunyo, tinanggihan ng SC ang omnibus motion ng Makati City government na humihiling sa SC na payagan itong maghain ng pangalawang motion for reconsideration kaugnay ng territorial dispute nito sa Taguig City.
Sinabi ng Korte Suprema na ang ikalawang motion for reconsideration ng Makati ay isang ipinagbabawal na pleading.
Noong Setyembre 2022, itinanggi ng SC ang unang Motion for Reconsideration ng Makati na bumabatikos sa desisyon ng Korte Suprema noong 2021 na nagdesisyon na ang Fort Bonifacio Military Reservation, na binubuo ng parcels 3 at 4, psu-2031, kasama ang sampung barangay ng EMBO, ay bahagi ng teritoryo ng Taguig City.
Samantala, mariing itinanggi ng pamahalaang lokal ng Taguig na pwersahan nilang tinake-over ang mga eskwelahan na dati nasa ilalim ng management and supervision ng Makati City.