-- Advertisements --

Todo paalala ang pamahalaang lokal ng Taguig City sa mga residente nito na mag-ingat sa COVID-19 virus ngayong holiday season, mahigpit na sundin ang minimum health standards and protocols para maiwasan na mahawa ng nakamamatay na virus.

Ito ay kahit sa kabila na ang Taguig City ang may pinakamamabang COVID cases sa buong Metro Manila.

Pinaalalahanan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang kaniyang mga constituents na sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols ngayong Christmas season para maiwasan na tumaas ang kaso sa siyudad.

Lalo na at bubuhos ang mga tao ngayon sa mga malls, kaya triple ang ingat kapag lalabas ng mga bahay.

QUARANTINE ISOLATION TAGUIG

Inihayag ng alkalde na ang pagsusuot ng masks at face shields ngayong pasko at bagong taon ay hindi naman makakaapekto sa diwa at mensahe ng pasko.

“Naka-mask at face shield man ang mukha ng Pasko ngayong taon, hindi po ito hadlang para ating ipakita ang pagmamahal sa ating kapwa. Sa ating pag-iingat at pagsunod sa health protocols, ating naipapakita ang pagmamahal natin sa ating pamilya,” wika pa ni Cayetano.

Aniya, ang COVID-19 numbers sa Taguig ay nag-i-stabilize na, kung saan nasa 41 ang naitalang bagong kaso.

Ang Taguig ay nakapagtala ng 9,890 cases kung saan 42 dito ang active cases.

“We remain to be among the lowest in Metro Manila. The National Capital Region’s active cases per 100,000 population is at 19,” pahayag ng alkalde.

Una nang ipinagmalaki ng Taguig LGU na nasa 98.47 percent ang recovery rate ng siyudad sa COVID-19.

Iniulat din ng alkalde na nasa 109 ang total COVID related deaths sa Taguig kabilang dito ang pito na nasawi nitong linggo lamang.

Paliwanag ng alkalde na ang siyudad pa rin ang may pinakamababang fatality rate sa buong Metro Manila.

“Our attack rate is at 1 percent, more than 0.03% from last week’s attack rate,” pahayag ng alkalde.

Sa ngayon nasa 83,323, or 8.44 percent sa populasyon ng siyudad ang isinailalim na sa testing, nitong linggo lamang nasa 3,007 tests ang isinagawa ng pamahalaang lokal.

Maagap din ang pamahalaang lokal sa pagtugon sa COVID cases, layon nito para maiwasan ang paghawa sa virus.

Binigyang-diin din ni Mayor Cayetano na mahalaga na maprotektahan ang mga senior citizens lalo na at sila ay vulnerable sa nasabing virus.

Batay sa isinagawang contract tracing ng siyudad, dalawang senior citizens ang nag positibo sa COVID-19, isang 66-years old at isang 69-years old.

Samantala, kahit nasa pandemic pa ang bansa, tuloy pa rin ang house-to-house distribution ng mga food packs para sa Noche Buena at limang kilo ng bigas sa bawat pamilya ng Taguig at ito ay magsisimula na sa December 12.