Inabisuhan ng Taguig LGU ang lahat ng mga negosyante sa mga EMBO barangay na i-register ang kanilang mga negosyo sa Taguig.
Kasunod nito ay naglabas rin ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng ilang mga alituntunin sa replacement ng kasalukuyang business permits para sa mga negosyo na mula sa mga EMBO barangays.
Tumatanggap ang Taguig Business Permit and Licensing Office ng mga registration at payments ng business taxes para sa taong 2023 ng Embo businesses.
Mangyari lamang sundin ng mga business owners ang mga sumusunod na hakbang:
Una, ihanda at ibigay ang mga sumusunod na requirements, Application Form, Current Makati Business Permit, Latest Official Receipt, 2×2 Formal picture of the owner (Single proprietor) o logo (Corporation), Location Sketch at 3R picture of the exterior of the establishment.
Pagkatapos nito ay magtungo lamang sa cashier para mag-bayad ng outstanding business taxes.
Pangatlo ay ipakita OR sa Business Permit and Licensing Office at hintayin na i-release ng Taguig ang inyong business permit.
Samantala, nagbibigay rin ang Taguig Business Permit and Licensing Office ng replacements o pagpalit ng Makati Business Permits sa Taguig Business Permits para sa mga businesses na nakapagbayad ng kanilang 2023 business taxes.
Mangyari lamang na sundin ang mga sumusunod na hakbang;
Una ihanda at ibigay ang mga sumusunod na requirements katulad ng Application Form, Current Makati Business Permit, Latest Official Receipt,2×2 Formal picture of the owner (Single proprietor) or logo (Corporation), Location Sketch at 3R picture of the exterior of the establishment.
Hintayin lamang na i-release ang inyong Taguig Business Permit.
Hinihikayat ng Taguig ang lahat ng EMBO business owners na i-secure ang kanilang Taguig Business permits bago matapos ang taon upang maiwasan ang pag-proseso nito sa renewal period sa Enero 2024 kung saan nagiging mahaba ang pila para sa payment at renewal ng permits.