Pormal ng sinimulan ngayong araw ng Pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamamahagi ng School Supplies at ang Scholarship program para sa lahat ng mag aaral mula sa EMBO Barangays at Taguigeños.
Kabilang pa rito ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program para sa mga estudyante sa mga barangay ng EMBO.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, Mag-aalok ang Lungsod ng mga scholarship hindi lamang sa mga nagtapos ng Senior High School, kundi sa lahat ng kwalipikadong residente ng 10 bagong barangay ng lungsod.
Hindi rin umano limitado ang scholarship program nito sa upper 10% ng graduating class ngunit bukas sa lahat ng antas ng taon maging sa nagre-review para sa licensure examinations at kumukuha ng post graduate studies.
Sa mga nagtapos sa high school na may o walang karangalan ay maaaring mag-aplay at makatanggap ng P15,000 hanggang P50,000 bawat taon.
Ang mga mag-aaral sa mga premier na kolehiyo at unibersidad, o kukuha ng mga priority course na tinukoy ng DOST ay maaaring makatanggap ng P40,000 hanggang P50,000 taun-taon.
- Ang mga magpapatuloy sa mga kursong teknikal at bokasyonal ay tatanggap ng P15,000 bawat taon habang ang mga nagre-review naman para sa board at bar exams ay maaaring makatanggap ng isang beses na tulong na P15,000 hanggang P20,000 at karagdagang P50,000 kung makapasok sa Top 10. Sa ngayon, ang tulong na ito ay nakatulong sa paggawa ng higit sa 3,200 mga lisensyadong propesyonal.
Samantala, ang mga guro sa publiko at pribadong paaralan sa Taguig naman kasama ang mga unipormadong tauhan na nakabase sa Taguig na kumukuha ng kanilang Masters’ at Doctoral Degrees ay maaaring mag-avail ng P18,000 hanggang P60,000/taon depende sa kategorya ng paaralan.