Ipinagbabawal sa ngayon ng sangay ng Taguig ang anumang uri ng pagtitipon o party sa paligid ng mga venue ng bar exams at pansamantala ring isinara ang ilang pangunahing kalsada para sa mga examinees ngayong taon.
Sa kasalukuyang nagaganap na exams sa University of the Philippines (UP) sa Bonifacio Global City (BGC), naglabas ng advisory o munting mga paalala ang pamantasan para sa seguridad at kaayusan ng exams.
Ilan na dito ay ang pagbabawal ng pagsalubong bago o pagkatapos kumuha ng eksamin ang mga kukuha nito. Dagdag pa riyan ang pagsasagawa ng videoke o pagpapatugtog ng malakas malapit sa pamantasan ng UP. Bibigyan naman ng karampatang parusa ang sino mang lumabag sa nasabing polisiya.
Samantala, magpapatuloy ang bar exams sa mga susunod na araw ng Miyerkules, Setyembre 11 at huling batch naman ang sasabak sa naturang pagsusulit sa Linggo, Setyembre 15.