Tiniyak ng pamahalaang lokal ng Taguig sa pamumuno ni Mayor Lino Cayetano na mabibigyan ng libreng COVID-19 vaccine ang lahat ng mga residente nito, matapos maglaan ng P13.5 billion “recovery budget” para sa taong 2021.
Ayon kay Cayetano nasa P1 billion pondo ang kanilang inilaan para sa COVID vaccine.
“As early as September, we have already started planning for vaccination, it will complement our other ongoing anti-COVID programs like our aggressive mass testing and treatment,” wika ni Mayor Cayetano.
Binigyang diin din ng alkalde na magpapatuloy sa pag-invest ang Taguig LGU sa healthcare and treatment.
Dagdag pa nito, magpapatuloy din ang mass testing ng siyudad ngayong 2021 kung saan libre ito sa kanilang 30 mga health centers at dalawang drive-through sites.
Tuloy-tuloy din ang molecular laboratory and disease surveillance units ng Taguig na popondohan ngayong 2021 dahil mahalada raw ito para mapigilan ang paglaganap ng nakamamatay na virus.
“We are working closely with the Joint Task Force and the Department of Health for the allotment of vaccine for Taguig but also already talking to suppliers for our own procurement once we are given the green light. We are also set to launch our model vaccine stations and out citizens ID this January. Both are important components of vaccine rollout plan,” ani Mayor Cayetano.
Siniguro naman ng alkalde sa kaniyang mga constituents na may ginawang kaukulang paghahanda ang siyudad kaugnay sa COVID-19 contingencies.
Pinaalalahanan din nito ang kaniyang mga constituents na mahalaga ang magpabakuna para labanan ang coronavirus.
“We need to continue to be vigilant and be responsible,” ayon sa alkalde.
Ang Taguig ang may pinakamababang COVID active cases sa Metro Manila noong 2020.