-- Advertisements --

thailand

Binigyang pagkilala ng pamahalaang lokal ng Taguig ang mga estudyanteng nag top sa board exams at nanalo sa internation competitions kung saan ipinapakita ng LGU kung gaano ito ka proud sa mga achievements ng mga estudyante.

Sa katatapos na Asian Music Games 2023, Jembez Krischnen Hemilo, estudyante ng Western Bicutan National High School, dahil sa kaniyang kagalingan nasungkit nito ang Gold medal sa Individual Contest Melodica category na ginanap sa Jember, Indonesia.

Sa kabilang dako, sa larangan ng science at robotics, sina George Lean Tizon, Gilleene Jazz Luyun, at George Angelo Tizon, na kumakatawan sa Cayetano Science Robotics Team, ay gumawa ng mga wave sa 28th FIRA RoboWorld Cup at Summit sa Wolfenübuttel, Germany, na ginanap mula nuong Hulyo 19 hanggang 21, 2023.

Ganap nilang pinangungunahan ang kategoryang Cliffhanger Heavyweight, na nakuha ang lahat ng nangungunang mga parangal.

Sa kategoryang ito, hinamon ang mga kalahok na lumikha ng mga robot on the spot gamit ang mga scrap materials, na pagkatapos ay nakikibahagi sa mga sumo-wrestling matches upang itulak ang mga kalaban palabas ng arena.

Nakuha rin ng koponan ang 2nd Place sa Cliffhanger Mission Heavyweight, gayundin ang 2nd at 3rd Places sa Cliffhanger All-Round Category.

Sa isa pang robotics competition, ang mga estudyante mula sa Sen. Renato “Compañero” Memorial Science & Technology High School, Taguig Integrated School, at R.P. Cruz Elementary School ipinakita ang kanilang exceptional talents.

Sa isinagawang World Robot Games Thailand Championship 2023 na ginanap sa Pathum Thani, Thailand, sina Coleen Mayormita at Dumdum Aldred Jacob, nasungkit ang Gold Medal Prize (1st Place) para sa Innovation: SDG Junior Category and the Copper Medal Prize (3rd Runner Up) sa iBeam Line Tracing Junior Category.

Ang iba pang mga panalo ay sina Franshielle Daine Magan at Baby Princiseta Totto, nasungkit ang Silver Medal (1st Runner Up) sa iBeam Line Tracing Junior Category, at Bronze Medal (2nd Runner Up) sa kaparehong kategorya.

Habang sina Franshielle Daine Magan at Celestine Alexa Sadsad nakuha ang Copper Medal (3rd Runner Up) sa Sumo 1kg Junior Category.

Si Aldred Jacob Dumdum nakuha ang Copper Medal (3rd Runner Up) sa Sumo 2kg STEM Category, at Ysmaelle Tabernero at Enrique Sabio Remolador nasungkit ang Copper Medal (3rd Runner Up) para sa kategoryang Innovation: SDG Junior Category.

Sa field of drama and theater arts, ang mga estudyante mula sa Sen. Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science and Technology High School nakuha ang top three awards sa International Science Drama Competition 2023 in Bangkok, Thailand, securing the top three awards in spectacular fashion.

Tinanghal naman si Keren Mae Rivera bilang Outstanding Performer in the Open Category.

Samantala, ipinagmamalaki din ng Taguig ang pag top sa board exams ng kanilang mga estudyante gaya ni Kimberly Dayagro, isang scholar mula sa Taguig City University, kung saan nakuha nito ang 2nd place sa 2023 Criminology Board Exam na may outstanding score na 88.80%.

Habang isa pang Taguig scholar, na si Timothy Regienald R. Zepeda, graduate ng University of the Philippines-Los Baños, nakuha ang Top 1 spot sa 2023 Registered Electrical Engineer Licensure Exam,kung saan nasa 90.95% ang score.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang achievement ng mga nasabing estudyante ay patunay sa kanilang hard work at dedication sa pag-aaral.

Dagdag pa ng alkalde, ito ay hindi lamang isang makabuluhang tagumpay para sa mga mag-aaral, kundi isang pinagmumulan ng pagmamalaki para sa buong komunidad ng Taguig.