-- Advertisements --

vac5

Plano ngayon ng pamahalaang lokal ng Taguig na magbukas pa ng tatlong 24/7vaccination hubs sa kanilang siyudad , bukod pa sa 40 community vaccination centers.


Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano layon nito na mapabilis ang
pagbabakuna sa mga residente nila sakaling dumating na ito.

Target na idagdag ng Taguig para maging 24-hours vaccination hubs sa Bonifacio Global City (BGC) ang Barangay Fort Bonifacio at ang Vista Mmall sa Barangay Calzada-Tipas.

Ito ay bukod pa sa Lakeshore Vaccine Training and Information Center, na hinirang ng national government na “model facility.”

Naniniwala si Cayetano na ang pagbubukas pa ng tatlong 24-hour vaccination hubs at ang 40 community vaccine centers ay lalo pang magpapalawak sa kanilang vaccination program.

vac2

Aniya, mas magiging madali din ang target ng pamahalaang lokal na pagbabakuna laban sa COVID-19 ng 630,000 Taguigenos sa loob ng 60 hanggang 90-araw.

Siniguro ng alkalde komportable ang mga nasabing vaccination hubs para sa mga taga Taguig.

Giit ni Cayetano ang tatlong 24/7 vaccination hubs ay naka pwesto sa mga lugar na madaing puntahan ng mga residente.

“Our target here is not only speed but safety, efficiency and accessibility. Our 24-hour hubs and our community vaccine centers will help us hit our objectives, This will open the opportunity for more citizens to get vaccinated and not have them worry about time,” wika pa ni Cayetano.
Dagdag pa ng alkalde ang bilang ng mga sasailalim sa bakuna ay batay sa projection ng populasyon ng lungsod at ang aktuwal na numero ay ibabase naman sa registered population.
Sa ngayon sinisimula na ng Taguig city ang pagpaparehistro sa kanilang mga residente.