-- Advertisements --

Mayruong libreng concert ang pamahalaang lokal ng Taguig kung saan tampok dito ang mga kilalang singers at mga banda bilang pagdiriwang ng Valentines Day sa February 14,2025.

Ang weeklong festivities ay nagsimula nuong February 10 hanggang February 16,2025.

Sa isang pahayag, sinabi ni Taguig Mayor Lani Cayetano na ang seryeng ito ng mga pangyayari ay nasa ilalim ng kanilang “TLC Heart Beats: City of Taguig’s Public Service Caravan” at binigyang diin na ang pagmamahal ay higit na naipapahayag sa pamamagitan ng mga pagpapakita ng kabaitan, pasasalamat, at paglilingkod sa kapwa

Ginanap ang opening night nuong Feb. 10, sinabi ni Cayetano na ang Taguig local government ay tungkol sa pagmamahal sa Panginoon, na isinasalin sa patuloy na mga programa at serbisyo para sa komunidad.

Nagsimula ang event sa soulful performances mula sa Luna Band at bossa nova legend na si Sitti, na nagtatakda ng heartwarming tone para sa mga darating na kapistahan.

Gabi ng Feb. 11, nagpatuloy ang pagdiriwang sa isang kapana panabik na lineup ng mga artist sa iba’t ibang venues.

Nag perform ang I Belong to the Zoo, Janine Teñoso, at Johann Mendoza sa Vista Mall Taguig.

Nuong Feb. 12 ay tampok ang Sunkissed Lola, Jeremy Novela, at High School Playlist sa Benigno Aquino High School sa Barangay Comembo.

Ngayong gabi, Feb. 13, gagawin ang libreng concert sa Arca South na pangungunahan ng I Belong to the Zoo, Davey Langit, at High School Playlist.

Ang grand Valentine’s concert ay gagawin bukas, February 14 sa TLC Park kung saan tampok dito ang singer na si Ariel Rivera, Ella Mae Saison, at South Border.

Sa Feb. 15 at 16 naman sina Jillian Ita-as, MC Dela Cruz, at Six or Seven Band ang magbibigay aliw sa mga Taguig.

Magbubukas ang gate mula 5pm hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ang mga bisita ay maaaring mamasyal sa pamamagitan ng mga nakamamanghang 3D art installation tulad ng Hand Heart Installation, Coin Plant Installation, at Green Village Installation, at lahat ito ay libre para sa lahat.

Maaari rin silang pumunta sa Rainbow Tunnel, Infinity Tunnel, Instabox Bible Verse Area, Light of Hope, at iba pang mga scenic spot na perpekto para sa pagmumuni muni at mga larawan.