Ang siyudad ng Taguig ang nananatiling may pinakamababang Covid-19 fatality rate sa buong bansa. Ito ay batay sa datos na inilabas ng independent OCTA Research Team .
Batay sa OCTA report nitong June 24, ang nakuhang 0.72 percent CFR na naiulat mula June 17 hanggang June 23 ay pinakamababa sa 1.5 percent na naitala sa National Capital Region.
Ang OCTA group ay binubuo ng mga researchers mula sa University of the Philippines, kasama ang ilang mga contributors mula sa University of Sto. Tomas at Providence College sa United States.
Kapag mababa ang CFR, indikasyon ito na ang isang local government unit ay may kapasidad na makapag ligtas ng buhay lalo na duon sa mga infected ng Covid-19 virus.
Ang Taguig din ang may pinaka mababang deaths per million sa Metro Manila at 293 deaths per million people.
Ikinatuwa naman ni Taguig Mayor Lino Cayetano ang findings ng OCTA group, na siyang nagmo monitor sa sitwasyon ng Covid-19 pandemic sa bansa.
Iniugnay naman ni Cayetano ang nasabing resulta, sa kanilang mga hardworking healthcare workers, na walang kapaguran sa pagsasagawa ng kanilang trabaho sa kabila ng pangamba na sila ay mahawaan ng nakamamatay na virus.
Pinasalamatan din ni Cayetano ang mga kanilang mga hardworking medical frontliners na patuloy sa pag-aalaga sa mga pasyente at lalo na sa vaccination program ng siyudad.
Iniulat din ni Cayetano na ang mga hospital bed utilization, ICU utilization, at mechanical ventilator occupancy sa Taguig hospitals ay nananatiling nasa safe level, below 60 percent.
Ang Taguig ay isa sa mga siyudad na agresibo sa kampanya laban sa Covid-19 sa simula pa lamang ng pandemya kung saan kinilala ito ng national government at ng World Health Organization dahil sa ipinatupad na mga innovative and proactive approach.
Sa ngayon ang siyudad ay mayruong 12 vaccination sites ng sa gayon mabakuhanan ang lahat ng mga residente ng Taguig.
Ang mga vaccination sites ay ang mga sumusunod: SM Aura, Lakeshore area, at Vista Mall Parking Building, Bonifacio High Street, Venice Grand Canal Mall, Lakeshore Trade Center and the eight community vaccine centers at the RP Cruz Elementary School, EM’s Signal Village Elementary School, Western Bicutan National High School, St. Lukes Medical Center, Medical Center Taguig, at Sea Breeze Resort.
Ito ay bukod pa sa vaccination buses na set up ng local government para sa mga Taguigeños.
Kamakailan lamang inextend ng Taguig ang kanilang vaccination hour hanggang alas-10:00 ng gabi sa Bonifacio High Street.
Naniniwala ang alkalde na nasa tamang direksiyon sila subalit pina-aalalahanan ang lahat na huwag magpabaya at manatiliting nakatutok para hindi mahawaan ng virus.
“As the vaccination continues, the City should also embrace behavioral change and follow our health protocols. These are the keys towards accelerating transition to the new normal,” pahayag ng alkalde.