Naghahanda na ngayon ang pamahalaang lokal ng Taguig ng isang comprehensibong listahan ng mga bakuna na tutugon sa banta ng Covid-19 variants na siyang mag complement din sa mga bakuna mula sa national government.
Nasa P1 billion na pondo ang inilaan ng local government ng Taguig para sa mga gagawing paghahanda, kasama na dito ang para sa kanilang sariling supply ng bakuna.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, mahalaga na magkaroon ng isang diverse portfolio ng Covid-19 vaccines na may ibat ibang vaccine types mula sa mRNA and DNA vaccines to recombinant protein vaccines and viral vectors, na maaaring labanan ang ang ibat ibang Covid-19 variants.
Tatlong pharmaceutical companies ang inaasahan ng pamahalaang lokal ng Taguig na magdeliver ng kanilang supplies sa Covid-19 vaccines na nagkaroon ng kasunduan at ito ay ang sumusunod:
• Memorandum of understanding with Novavax for Covovax which is a protein based vaccine that uses recombinant technology;
• Term sheet with IP BioTech for Covaxin which is an inactivated vaccine; and
• Memorandum of agreement with AstraZeneca which is an adenovirus-based viral vector vaccine.
“The availability of these vaccines will further expand the city’s supply and capability to combat Covid-19 including its new variants,” pahayag ni Cayetano .
Bukod sa tatlong pharmaceutical companies mayruon din ginagawang deals ang Taguig para sa iba pang mga vaccine manufacturers kabilang na ang Moderna at iba pang posibleng suppliers para mRNA vaccines.
“While we continue to build our portfolio of vaccines and wait for the supplies to arrive, we believe that the best vaccine to administer to our citizens is the vaccine that is available now,” dagdag pa ni Cayetano.
Iniulat din ng Taguig LGU na as of March 115, nasa 1,694 na mga medical frontliners sa nasabing siyudad ang nabakunahan na ibinigay ng national government mula sa mga donasyong bakuna mula sa China ang Sinovac at AstraZeneca.
Nagpapatuloy pa rin sa ngayon vaccination ng Taguig na isinasagawa sa Taguig Vaccination Hub sa Lakeshore Megaquarantine Complex matatagpuan sa Barangay Lower Bicutan.
Ang Taguig pa rin ang nananatiling may pinaka mababang active cases ng Covid-19 sa National Capital Region at may pinaka mababang fatality rate sa buong NCR .
Kumpiyansa ang pamahalaang lokal ng Taguig sa sandaling mabakunahan na ang lahat ng mga constituents nito, hindi malayo makamit ng siyudad ang zero case sa Covid-19.
“Nevertheless, following the minimum health and safety protocols issued by the national and local government such as wearing face masks and face shields, maintaining physical distancing, and frequently washing of hands and sanitation using alcohol are still effective in controlling the spread of the virus including the new variants that were discovered recently,” wika ni Cayetano.