-- Advertisements --

2

Mala circus ang tema na inihanda ng Taguig City government sa unang araw ng vaccination rollout para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 years old na isinagawa sa SM Aura SMX Convention Center sa Barangay Fort Bonifacio na nagsimula ng alas-8:00 kaninang umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.


Ayon kay Dra. Jennifer Lou De Guzman, Head, National Immunization Program of Taguig City, batay sa kanilang obserbasyon, nag iba na umano ang perception ng mga bata karamihan sa kanila ay hindi na takot na maturukan ng karayom at masayang lumalabas ng vaccination center.

” Kung makikita po ninyo ginawa naming kaaya aya ang aming vaccination site kasi po bukod sa mga magulang natin na nang eengganyo simula pa lamang sa kanilang mga tahanan ngayon po ay nagkaroon ng isang makulay na vaccination site para mawaksi ng mga chikiting na ang pagtusok o pagbabakuna ay hindi dapat katakutan bagkus dapat maging excited para maging protektado. Bukod sa pagkakaroon ng isang smooth na trapiko ng vaccination site para magkaroon tayo ng adherence sa safety protocols sa isang enclosed space tayo po ay handa sa mga pasilidad, mga gamot kung meron mang adverse effects. sa oras na ito sa mga nabakunahan wala pa naman tayong nakitang nagkaroon ng reaksyon at natutuwa po kami na wala pa namang nagwawala o umiiyak,” pahayag ni Dra. De Guzman.

Binigyang-diin naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang kahalagahan ng pagbabakuna lalo at naghahanda na ngayon ang siyudad para sa face to face classes.

Ang vaccination site ng Taguig sa SM Aura SMX Convention Center at Lakeshore Vaccination Hub, ay naging childrens party like venue dahil sa mala circus ang tema.

Pagpasok ng mga banta sila ay binabati ng cosplayers at nag enjoy sa mga nakikitang attractions venue gaya ng pagkakaroon ng puppet show.

Ang bawat bata na naturukan ng bakuna ay binibigyan ng token na loot bag dahil sa katapangan na kanilang ipinakita.

Layon kasi ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng kanilang Taguig Vaccination Task Force na maprotektahan ang mga menor de edad laban sa Covid-19 virus kaya lalo pa nilang pinalakas ang vaccination rollout ng siyudad.

Ang mga minors nag registered sa pamamagitan ng TRACE APP ay sasamahan ng kanilang mga magulang o guardian para tanggapin ang kanilang first dose vaccine.

Hinimok naman ni Mayor Cayetano, ang lahat ng mga residente ng siyudad na mag register at i book ang vaccination ng kanilang mga anak.

“Here in Taguig, we strongly believe that vaccination is our strongest weapon to fight the virus. It is duly time to start the vaccination of our minors as this is important as we gradually open the schools for the face-to-face classes. We want to give our children the best education and we have to protect them to be able to do this,” pahayag ni Mayor Cayetano.

Batay naman sa datos ng TRACE App ng Taguig nasa mahigit 22,000 kabataan na ang nakapag register na ngayon.