-- Advertisements --

minor

Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Taguig ang pagbabakuna para sa kanilang pediatric population ngayong araw ng Martes, November 2,2021.

Ayon sa pamahalaang lokal ng Taguig, ang mega vaccination hubs sa Lakeshore at Bonifacio High Street ang siyang mag-accomodate sa pediatric population na may edad 12 to 17 years-old without comorbidities.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang vaccination para sa mga minors na mayruong medical conditions na nagsimula nuong October 26 ay magpapatuloy pa rin.

Ang mga minors na with comorbidities ay babakunahan sa Medical Center Taguig ng Pfizer o Moderna vaccines.

minor2

Sinabi ng Taguig City government ang mga minors with comorbidities at ang iba pang pediatric population ay maaari ng magpa-iskedyul ng kanilang vaccination sa pamamagitan ng trace.taguig.gov.ph o Taguig TRACE kiosks na matatagpuan sa mga barangay halls o barangay health centers.

Sa ngayon pinalakas pa ng Taguig city government ang kanilang TRACE website para mas magiging accessible ito sa kanilang mga residente.

Sa TRACE website, maaari ng mag book ng appointment ang mga sasailalim sa RT PCR test at vaccination iskedyul.

Siniguro naman ng pamahalaang lokal ng Taguig na kanilang ipagpatuloy ang fast, safe and accessible vaccination para sa mga minors.