-- Advertisements --

taguiguniform1

Tiniyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na libre nilang ipamamahagi ang mga bago at improved na school uniform sa ibat ibang public schools sa siyudad.

Nuong Lunes, November 6,2023 sinimulan ng pamahalaang lokal ang pamamahagi ng mga school uniforms.

Mismong si Mayor Lani ang nanguna sa pamamahagi ng school uniform sa Bagumbayan National High School.

Binigyang-diin ni Mayor Cayetano na kanilang sisiguraduhin na ipaparamdam sa mga mag-aaral mula kinder hanggang grumadweyt ng senior high school ang Tender, Loving, Care (TLC) ng pamahalaang lokal ng Taguig.

Ang ginawang pamamahagi ng libreng school uniforms sa mga mag-aaral ay nagdulot ng lubos na kaligayahan sa mga estudyante na agad namang nagpasalamat sa local government ng Taguig na malaking tulong sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

Ayon sa estudyanteng si Angeli Nicole CaƱaveral isang Grade 8 student ng Tibagan High School sa Barangay East Rembo na excited siyang gamitin ang bagong uniform.

Para sa Grade 11 na estudyante na si Moises mula sa Bagumbayan National High School na hindi na kailangan pang bumili na uniform ang kaniyang mga magulang lalo at marami pa rin ang hirap na makabili ng mga uniform at sapatos.

Siniguro naman ni Mayor Lani na magpapatuloy ang pamamahagi sa mga public schools sa Taguig sa mga susunod na araw hanggang sa mabigyan lahat ang nasa 200,000 estudyante ng kanilang uniform.