-- Advertisements --

Ito ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay bilang bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng City Ordinance No. 15, na kilala rin bilang “Comprehensive Smoke-Free Ordinance.”

Isinagawa rin ito bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National No Smoking Month sa ating bansa.

Ito umano ang kanilang naging estratehiya sa nasabing lungsod upang alisin ang mga visual na pampasigla at mabawasan ang pampublikong pagkakalantad sa mga advertisement na may kaugnayan sa paninigarilyo.

Kasabay nito ay nagdikit naman ang nasabing task force ng mga anti-smoking sticker sa mga sari-sari store, pampublikong lugar, at maging sa pampublikong sasakyan.

Habang patuloy rin daw ang pakikipag-ugnayan nila sa iba pang mga komunidad upang epektibong maipamahagi ang mga pamphlet na siyang makatutulong upang magbigay kaalaman sa mga residente tungkol sa mga panganib ng paninigarilyo at mga benepisyo ng Smoke-Free Ordinance.

Determinado ang Taguig Smoke-Free Task Force na ipatupad ang Comprehensive Smoke-Free Ordinance sa lahat ng barangay upang isulong ang mas malusog at smoke-free na kapaligiran para sa lahat ng kanilang mga residente.