Tiniyak ng pamahalaang lokal ng Taguig na nakahanda na ang kanilang logistical requirement sa pag handle at paggamit ng Sputnik V Covid-19 vaccine na dumating ngayong araw sa bansa.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, na aware sila sa sensitive storage requirements ng Russian-made vaccines.
Sinabi ni Cayetano, ilalagay nila ang mga nasabing bakuna malapit sa kanilang Lakeshore vaccination site kung saan limang minuto lamang ang layo nito sa kanilang cold storage facility.
” Our Lakeshore vaccination site that can do anywhere from 400 to 800 vaccinations a day, its just five minutes away from our cold storage facility, so I think we can do it,” pahayag ng alkalde.
Ang Sputnik V jabs ay kailangan sa isang cold storage facility na may temperaturang 20-degrees Celsius at kailangang iturok agad ito sa loob ng dalawang oras matapos kuhanin sa storage facility.
Inihayag din ni Cayetano in-place na rin ang kanilang plano sa pagbiyahe ng Sputnik V vaccine mula sa pagdating nito at patungo sa kanilang cold storage facility.
Binigyang-diin ni Mayor Cayetano na malaking tulong ang pagdating ng Sputnik V vaccine lalo na at nagpapatuloy ang vaccination program ng pamahalaan.
Batay sa report ang Sputnik V vaccine ay mayruong 91.4 percent efficacy laban sa Covid-19.
Inihayag naman ni Department of Health Undesecretary Maria Rosario Vergeire na ang Russian-made vaccine ay idiniklarang ligtas gamitin ng publiko ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Kaninang hapon, dumating ang 15,000 doses ngSputnik V vaccine.
Kabilang ang Taguig na mabibigyan ng 3,000 doses, kasama ang Manila, Muntinlupa, Makati at Paranaque.