![lani](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/04/lani.jpg)
Pormal ng binuksan ng pamahalaang lokal ng Taguig nuong Lunes ng gabi ang “Life of Christ” exhibit na makikita sa TLC Village sa Lower Bicutan.
Ito’y kasunod ng pagdiriwang ng bansa sa Semana Santa.
Layon ng pamahalaang lokal na bigyan ang mga Taguigueño ng lugar na makapag muni-muni ngayong panahon ng Kwaresma.
Ang TLC Village ay bukas mula April 4 (Martes Santo) hanggang April 9 (Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay) mula alas -8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Ayon sa pamahalaang lokal na maaaring pagnilayan ng mga Taguigueño ang pasyon, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus sa iba’t ibang sulok ng parke, kung saan tampok ang Stations of the Cross, Prayer Corner at Prayer Boxes, at Art Installations.
Sa loob ng parke mayruong 14 na panel, na nagtatanghal ng mga kaganapan sa huling araw ni Hesukristo, ay naglalaman ng bawat isang angkop na talata sa Bibliya, isang pagmuni-muni, at isang aktibidad o isang katanungan.
Mayruon din para sa mga nais humingi ng spiritual blessing ay maaaring gawin ito sa Ask Jesus provision, kung saan maaari nilang isulat ang kanilang mga intensyon sa panalangin, at magsindi ng kandila sa Prayer Corner at Prayer Boxes.
Isang black interactive Cross installation art ay inilagay sa gitna ng TLC Square, kung saan maaaring isulat ng mga bisita ang kanilang mga kasalanan at masamang gawi sa itim na papel at isa-isang ipako ang mga ito sa krus.
Sa kanyang pagbisita sa parke, sinabi ni Taguig Mayor Lani Cayetano na umaasa siya na anuman ang espirituwal na kaugnayan at paraan ng pagdiriwang ng holy week, ang mga Taguigueño ay nakatuon sa pagiging mapagpasalamat sa pinakadakilang sakripisyo ni Hesukristo na nagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan.
“I also encourage the younger generation to study and experience the Passion of the Christ, especially at this time, when our youth are going through so many trials,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.
Samantala, hiling naman ni Senator Alan Peter Cayetano sa mga Taguigueño n alalahanin ang dalawang napakasimpleng utos para magkaroon ng mas makabuluhang Semana Santa: ” Love God with all our hearts, spirit, and mind above everything and everyone,… and love yourself and love others as you love yourself,” pahayag ni Sen. Cayetano.