Maaari ng i-access ng mga residente ng Taguig sa TRACE website ng siyudad ang mga nais magkaroon ng appointment para sa kanilang vaccination at RT-PCR testing.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, layon ng nasabing hakbang ay para mas magiging accessible at convinient ito para sa mga Taguiguenios.
Ang Taguig Registry for Assessment and Citizen Engagements (TRACE) ay naglalayon para mabigyan ng easy access ang mga TaguigeƱos sa mga programa at serbisyo ng pamahalaang lokal lalo na sa health and socio-economic benefits.
Sinabi ni Cayetano na maaari din mag iskedyul ng vaccination sa pamamagitan ng TRACE website.
Inihayag pa ng alkalde na libre ang RT PCR test sa siyudad sa ibat- ibang testing sites:
31 Health Centers; 2 Drive-thru testing sites sa Lakeshore at BGC; Park N’ Test sa Vista Mall Parking Building; Taguig Mega Swabbing Facility sa CP Tinga Elementary School at Mobile Testing truck.
Binigyang-diin ng alkalde na patuloy ang ginagawa nilang improvement para sa kanilang Covid-19 operation services.
“We always make it a point to find ways to improve our services. Taguig is very keen on adapting to the new technology and making use of this in our programs. In Taguig, we make sure that our services can be accessed by all TaguigeƱos from different walks of life,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.
Ang Taguig ang nangungunang siyudad sa Metro Manila na may pinaka maraming naisagawang testing.
As of October 30, 2021, nasa 221,347 RT-PCR tests ang isinagawa sa siyudad.
Umaasa ang alkalde na sa kanilang agresibong kampanya laban sa Covid-19, hindi malayong mananalo ang siyudad sa paglaban sa nakamamatay na virus.
Inihayag naman ni Mayor Cayetano na ang libreng Covid-19 testing ay ligtas, mabilis at accessible na siyang vital component para sa new normal.
Ang lungsod ng Taguig ay patuloy na nagpapaalala sa kanilang mga constituents na sundin ang minimum health standards at safety protocols sa lahat ng panahon sa buong lungsod.