DAVAO CITY – Naibalik na ang apat na police patrol cars na ilang araw ding nakatingga sa Motorpool Tagum City, Davao del Norte matapos itong bawiin ni Tagum City Mayor Rey Uy.
Maalalang, nitong nakalipas na Huwebes pina-recall ng alkalde ang apat na patrol cars, at pinutol din nito ang gasoline, rice allowance at iba pang suporta nito sa PNP.
Nag-ugat ang tampo ng alkalde ng biglaan na-relieved sa pwesto ang kakaupo pa lamang noon na Tagum City Acting COP na si PLTCol. Edgardo Bernardo na pinalitan ngayon ni PLt. Col. Jeffrey Latayada. kahapon, nag courtesy call si PRO-XI Regional Director PBGen. Alden B. Delvo kay Tagum City Mayor Rey Uy, na nagresulta naman sa pagbalik ng alkalde sa nasabing sasakyan at support sa PNP Tagum.
Nilinaw naman ni PRO-XI Spokesperson Atty. Police Lieutenant kernel Eudisan Gultiano, na nabigo si PLTCol Bernardo, na resolbahin kaagad ang sunod-sunod na nangyaring rape-slay sa kaniyang AOR, kung kaya’t nirelieved ito sa pwesto.
Nagbaba na rin ng direktiba si PBGen. Alden B. Delvo, para sa lahat ng Chief of Police sa rehiyon na kaagad resolbahin ang kriminalidad sa kani-kaniyang AOR. Ang mabibigo anya sa pagpapatupad nito ay tiyak maliligwak sa pwesto.