-- Advertisements --

Kuntento si Tagum City Mayor Rey Uy sa naging hatol ng Kamara kaugnay sa ethics complaint laban kay dating speaker at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez dahil sa ipinakita nitong disorderly behavior at seditious na mga pahayag laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam kay Mayor Uy kaniyang sinabi na okay sa kaniya ang naging hatol ng Kamara dahil aniya may natututunan dito si Alvarez.

Muling binigyang-diin ni Mayor Uy na kaya lamang niya inireklamo si Alvarez dahil hindi nito nagustuhan ang kaniyang mga pinagsasabi.

At bilang opisyal ng pamahalaan hindi ito dapat magsalita na nananawagan na iatras ng AFP at PNP ang kanilang suporta sa Pang. Marcos.

Sa ngayon, sinabi ni Mayor Uy na all is well na sa kanila ni Rep. Alvarez at nakapag usap na rin sila.

Pagbibigay diin ng alkalde kaniya pa rin itiuturing na kaibigan si Alvarez.