CAGAYAN DE ORO CITY – “Sana manatilihing buhay sa puso at isipan ang mga tagumpay at mabuting nagawa ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. para sa bayan.
Ito ang hamon ng isa sa matalik na kaibigan at naging kasama sa politika ni Pimentel na si dating Mindanao assemblyman Atty Homobono Adaza kaugnay sa pagpanaw ng dating pangulo ng Senado.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Adaza na bata pa man sila ni Pimentel ay nakitaan na niya ito ng mga asal na sumesentro sa pagiging makabayan kaya hindi nito ikagulat na tinapatan noon ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Inihayag ni Adaza na sana hindi mawala sa isipan at damdamin ng sambayanang Filipino ang malaking pagmamahal sa bayan at pagsakripisyo ni Pimentel, maituwid lamang ang mga kamalian sa ilang taon na pagpamamalabis noon ng mga Marcos.
Naikuwento rin nito na mismo siya ang humubog kay Pimentel upang pasukin ang politika kung saan una itong naging alkalde sa Cagayan de Oro at gobernador din sa Misamis Oriental bago naakyat sa mas mataas pa na katungkulan sa panahon ni late President Corazon “Cory” Aquino.