-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Himalang nakaligtas ang isang pamilya ng hagisan ng granada ang kanilang tahanan alas 7:05 nitong gabi ng Linggo sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxism Peralta na hinagisan umano ng granada ng mga hindi kilalang suspek ang bahay ni Angking Cadulong Masla na isang negosyante sa Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Tumama ang granada sa bobungan ng bahay at nawasak ang mga salamin.

Maswerteng walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa pamilya ni Masla at mga kapitbahay.

Marami rin ang naniniwala na posibling 40 mm high explosives mula sa M203 o kaya M79 grenade launchers ang tumama sa tahanan ni Masla.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit MPS sa panghahagis ng granada sa tahanan ng negosyante.