-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpatupad ng search warrant implementation ang mga otoridad sa tahanan ng isang kasapi ng New Peoples Army (NPA) nitong gabi ng Lunes sa probinsya ng Cotabato.

Target sa operasyon si Elizaberto Jaictin alyas ‘Donker’ na miyembro ng Guerilla Front 52 at 53 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) at residente ng Purok San Roque Barangay Amabel Magpet North Cotabato

Ang operasyon ay pinangunahan ng Magpet PNP kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-NorthCotabato), PNP-Special Action forces at 72nd Infantry Battalion Philippine Army.

Natunugan ng suspek ang mga otoridad kaya itoy nakatakas at tanging pamilya lamang nito ang inabutan.

Narekober sa bahay ni Jaictin ang isang granada at mga bala.

Ang suspek ay nahaharap sa ibat-ibang kaso at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.