-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tinupok ng apoy ang bahay ng mag-asawang Senior Citizen sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na nakita na lamang ng mag-asawang Tautin Guialal at Kupai Paglas Guialal na nasunog ang kanilang bahay sa Sitio Balong Barangay Manaulanan Pikit Cotabato na sakop na ngayon ng Special Geograpic Area ng BARMM.

Walang magawa at naiyak na lamang ang dalawang matanda ng makitang tinupok ng apoy ang kanilang bahay.

Swerte namang nakaligtas ang mag-asawa dahil doon ito natulog sa kubo nila malapit sa sakahan nito.

Bago tinupok ang insedente ay may mga di nakilalang armadong kalalakihan umano ang napadaan at kanilang sinunog ang bahay.

Nanawagan ngayon ng tulong ang mag-asawa sa LGU Pikit at Bangsamoro Govt.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa naturang pangyayari.