Nilawakan pa ng Taiwan ang imbestigasyon nito ukol sa supply ng mga pager at walkie-talkies na ginagamit ng mga Hezbollah leader na sunod sunod na sumabog nitong nakalipas na lingo.
Una nang idinawit sa naturang krimen ang kumpanyang Gold Apollo mula sa Taiwan na umano’y nagsupply sa mga gadget.
Agad tinungo ng mga Taiwanese investigators ang kumpanya at kinuwestiyon ang head nitong si Hsu Ching-kuang. Mariin namang itinanggi ni Hsu ang akusasyon.
Kahapon, dalawang empleyado ng kumpaniya ang kinuwestiyon muli ng mga imbestigador.
Ngayong araw, inatasan ng Taiwan government ang National Security division upang tanungin ang mga kasalukuyan at dating empleyado ng kumpanya. Ayon sa mga imbestigador, ang nagsasagawa ang mga ito ng komprehensibong pagsisiyasat at binubuksan ang lahat ng angulo.
Sa kabila ito ng naunang pahayag ng economic minister ng Taiwan na ang mga sumabog na pager at walkie-talkie sa Lebanon ay hindi ginawa sa naturang isla.