-- Advertisements --

Hinikayat ng defense ministry ng Taiwan ang China na tigilan na nito ang palagiang military harrasment sa kanila.

Kasunod ito sa mahigit na 100 eroplano ng China ang lumipad sa himpapawid na sakop ng Taiwan.

Ayon sa Defense ministry na sinakop na ng Chinese warplanes ang kanilang air defense identification zone (ADIZ).

Pagtitiyak ng defense ministry ng Taiwan na hindi sila natitinag dahil sa patuloy ang kanilang ginagawang pagsasanay para paghandaan ang anumang harassment na ginagawa ng China.

-- Advertisement --

Magugunitang ipinagpipilitan pa rin kasi ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan.