-- Advertisements --
Binalaan ng Taiwan ang China na huwag makialam sa kanilang halalan.
Sinabi ni Taiwan Foreign Minister Joseph Wu, na hindi dapat makialam ang China dahil hindi naman nila ito sariling halalan.
Itinakda kasi sa Sabado ang halalan sa Taiwan kung saan pipili sila ng pangulo, vice president at mga legislative members.
Nananatili pa ring malakas na manalo sa halalan ang kasalukuyang pangulo na si Tasi Ing-wen.