Binulabog ang Taiwan ng ilang dosenang aftershocks partikular na sa Hualien county nitong Lunes at umaga ng Martes.
Wala namang napaulat na casualties at minor lamang ang naitalang pinsala.
Ang pinakamalakas na lindol na naramdaman ay nasa magnitude 6.3 partikular na sa malalaking parte ng northern, eastern at western Taiwan kabilang sa capital ng Taipei. Lahat naman ng aftershocks ay very shallow o mababaw kung saan mataas ang tendency na maramdaman ang lindol.
Ayon sa Taiwan Central Weather Administration, nagsimulang maramdaman ang serye ng lindol hapon ng Lunes na umabot sa 180 aftershocks, epekto pa rin ito mula sa tumamang malakas na lindol noong Abril 3 na magnitude 7.2 na lindol na kumitil sa 14 na katao at nakapagtala na ng mahigit 1,000 aftershocks.