Nagpapatupad na ang Taiwan government ng paghihigpit sa pagpasok ng carry-on baggage na nanggagaling sa Pilipinas dahil sa suspected cases ng African swine fever sa ating bansa.
Ayon sa Taiwan Central Emergency Operation Center (CEOC), nagsimula ang paghihigpit noon pang araw ng linggo sa kabila ng wala pang kumpirmasyon ng ganitong sakit ang mga opisyal ng Philippine government.
Ibinase ng mga eksperto ang paghihigpit sa umano’y na-detect na pagkamatay ng maraming alagang baboy sa dalawang lalawigan.
Nakiusap naman si Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronie Domingo sa publiko na huwag munang gumawa ng conclusion sa isyung ito dahil iniimbestigahan pa ang kaso.
Sa Malaysia raw kasi ay dati nang gumawa ng mga hakbang ang mga otoridad laban sa sakit na Japanese encephalitis, pero kalaunan ay natuklasang Nipa virus para ito at nagkaroon lamang ng maling diagnosis.