Nangako ang Taiwan na sumali sa mga international economic sanctions laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine, at idinagdag na handa rin silang makibahagi sa anumang pagsisikap sa mapayapang paglutas ng krisis.
Kinondena ni Taiwan President Tsai Ing-wen ang pag-atake ng Russia sa Ukraine, na “nagpahina ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon at sa buong mundo.”
Tiniyak din ni Ing-wen sa mga Taiwanese na nagtatrabaho sila upang matiyak ang seguridad ng bansa.
SAMANTALA, nagpadala naman ng mga weapons at equipment patungong Ukraine ang France.
Ito’y matapos nakipag-usap si Ukraine President Zelensky at France’s President Emmanuel Macron.
Ayon kay Zelensky, gumagana na ang anti-war coalition!
Kung maalala, inilunsad ng Russian troops ang kanilang pag-atake sa Ukraine na humatak ng mga internasyonal na pagkondena, mga babala, at mga parusa mula sa mga bansa, na pinamumunuan ng Estados Unidos, kung saan tinawag ni US President Joe Biden ang hakbang ng Moscow na “unprovoked and unjustified.”Top