-- Advertisements --

Inaresto ng Taiwanese Coast Guard ang mga Chinese Crew ng isang cargo ship dahil umano sa pagputol ng mga internet cables sa ilalim ng dagat.

Ang nasabing barko umano ay siyang nasa likod ng pagkaputol ng kable na nagkokonekta sa Taiwan at Penghu Island .

Ayon sa Taiwan Coast Guard na ang cargo vessel na may tatak na “flag of convenience” ay may lulan na walong Chinese na crews.

Ang “Hong Tai” Cargo vessel ay nakarehistro sa West African nationa ng Togo na pinondohan ng China.

Lumabas sa imbestigasyon ng Taiwan Coast Guard, na ilang oras matapos na mag-angkla ang barko ay nawala na ang kanilang internet connections.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Taiwan ang mga crew ng nasabing barko.