-- Advertisements --

Muli na namang inireklamo ng Taiwan ang pagpapalipad ng mga eroplanong pandigma ng China sa kanilang teritoryo.

Ayon sa Taiwan defense office na agad na hinarang ng kanilang fighter jets ang nasa 39 na eroplano ng China.

Ito na aniya ang pinakamaraming bilang ng mga eroplanong pandigma ng China na naharang ng Taiwan.

Magugunitang makailang beses ng inireklamo ng Taiwan ang pagpapalipad ng China sa kanilang air defense identification zone o ADIZ.

Iginigiit kasi ng China na pag-aari pa rin nila ang Taiwan.