BUTUAN CITY – Aminado si Bombo international correspondent to Taiwan Gina Lin na napaligiran na sila ng mga military aircrafts ng China matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi simula pa nitong nakalipas na Martes ng gabi.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Lin na isa nang Taiwanese national na sinalubong ng protesta ang pagdating ni Pelosi sa kanilang bansa dahil alam na umano ng mga mamamayan nila na ang tanging sadya lamang sa pagbisita ni Pelosi ay upang magbenta ng kanilang mga armaments at upang ipamukha silang may tensyon ngayon ang kanilang bansa sa China kung kaya’t dapat na maging mas moderno na ang ilang kagamitan sa giyera.
Magsisimula umano ngayong araw ang tatlong araw na military drill ng People’s Liberation Army ng China at sa kabila ng kanilang pangamba, kampante naman silang hindi makakaya ng China na maglunsad ng giyera laban sa Taiwan.