-- Advertisements --

Inakusahan ngayon ng Taiwan ang China nang “pangbu-bully” matapos na magpadala ng 24 na mga warplanes sa kanilang air defense identification zone (ADIZ).

Ayon sa Taiwan ito na ang “third-largest incursion” ng China sa kanilang teritoryo sa loob ng dalawang taon.

PLA

Upang patunayan ang alegasyon, naglabas ang Taiwan Defense Ministry ng mapa kung saan lumipad ang mga aircraft ng People’s Liberation Army (PLA) na kinabibilangan ng mga bombers, fighter jets, anti-submarine planes, airborne early warning at control planes, at kasama rin ang tinaguriang H-6 bombers.

Bilang reaksiyon, ang Taiwan Defense Ministry ay naglabas din ng radio warnings kasabay nang paglalabas ng air defense missile systems upang i-monitor ang aktibidad ng mga Chinese warplanes.

Kung maalala ang Amerika naman ang nagsu-supply ng fighter jets sa Taiwan.