Nagpadala ang Taiwan ng kaukulang mga pwersa bilang tugon sa inilunsad na war games ng China sa paligid ng isla.
Sa isang statement, kinondena ng Taiwanese Defense Ministry ang “irrational at provocative behavior” ng China at sinabing nagpadala ng kanilang pwersa para protektahan ang kanilang kalayaan at demokrasiya at depensahan ang soberaniya ng Taiwan.
Nitong Linggo, iniulat ng Taiwan na nadetect nito ang Chinese aircraft carrier group sa timog na bahagi ng isla sa Bashi Channel, isang daanang naghihiwalay sa isla mula sa Pilipinas at tila patungo sa western Pacific.
Ang naturang hakbang naman ng Beijing ay ilang araw matapos balaan ni US State Secretary Antony Blinken ang China sa magiging aksiyon nito bilang tugon sa naging mga pahayag ni Taiwan President Lai Ching Te na nangakong kaniyang tututulan ang annexation ng isla sa kaniyang speech sa 113th National Day ng Taiwan.
Una na ngang nagbabala ang China na maaaring magresulta sa disaster sa mamamayan ng Taiwan ang mga probokasyon ni Pres. Lai.