Kinondina ng Taiwan ang pagsisimula ng China ng dalawang araw na military exercises sa kapaligiran nila.
Ang nasabing drills aniya ay isinagawa matapos ang tatlong araw ng maluklok si President William Lai na nanawagan sa China na tigilan na nito ang pag-atake sa isla at tanggapin na lamang ang pagkakaroon ng demokrasya.
Ayon sa defence ministry ng Taiwan na ang ginawa na ito ng China ay isang irrational provocations.
Nagpakalat din ang Taiwan ng naval, air at ground forces para depensahan ang kanilang soberanya.
Itinuturing n Taiwan military na isang full-scale attack.
Ginanap ang military exercises sa kapaligiran ng mga isla ng Kinmen, Matsu, Wuqiu at Dongyin.
Magugunitang noong Agosto 2022 ay pinalibutan ng China ang Taiwan bilang pagpapakita ng pagkontra sa pagbisita noon ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Nilinaw ng China na ang kanilang military drills ay bilang parusa sa pagmamatigas ng Taiwan na ito ay independent at bilang pagbabala rin sa pakikalam ng ibang mga puwersa.