-- Advertisements --

Inakusahan ng Taiwan ang China na nagpapasimula ng tensiyon sa silangang Asya.

Kasunod ito ng pagpapalipad ng China ng kanilang warplanes na tumawid pa sa sensitive median line sa narrow strait.

Ilan sa mga dito ay ang ang sophisticated fighter jets, heavy bombers.

Sinabi ni Taiwan President Tsai Ing-wen na ang aktibidad ng China ay isang panganib sa buong rehiyon.

Isinagawa ng China ang nasabing military activity ng bumisita si Keith Krach ang under secretary of state for economic ng US sa Taipei na nagbigay pugay sa pumanaw na si Taiwan President Lee Teng-hui.

Ang nasabing pagbisita ni Krach ay mariing kinokondina ng China.