-- Advertisements --

Magbibigay ng 300,000 na face mask sa bansa ang gobyerno ng Taiwan.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan na mayroong kabuuang anim na milyon na “medical masks” ang ibibigay sa European Member states, eastern European countries at Southeast Asian Countries na naging bahagi ng New Southbound Policy ng Taiwan.

Inaasahan na darating ngayong araw sa pamamagitan ng EVA Air flight ang nasabing mga face masks.

Bibigyan din ng Taiwan ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam at India ng 100,000 hanggang 300,000 na mask depende sa pangangailangan.