-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Taiwan na magsasagawa ang culling activities laban sa mga green iguanas.

Ayon sa Forestry and Nature Conservation Agency na kanilang inirekomenda ang pagpatay sa 120,000 na mga green iguanas bilang bahagi ng pagbalanse ng kalikasan.

Isa mga makataong pamamaran ng pagpatay ang paggamit ng mga fishing spears.

Naniniwala na nasa 200,000 na mga iguana ang naninirahan sa southern at central Taiwan.

Noong nakaraang taon ay mayroong special hunting team ang nakapatay ng 70,000 na iguanas kungs saan binayaran ang mga ito ng $15 kada isang piraso.

Mabilis aniya silang dumami kaya mahalaga na bawasan ang mga ito para magkaroon ng balanse ang kalikasan.