Magsasagawa rin ng military drill ang Taiwan, bilang kasagutan sa naunang military drill na isinagawa ng China sa naturang estado.
Maalalang nitong Abril-1 ay sinimulan ng People’s Liberation Army (PLA) ang ang panibagong drill sa naturang isla na kinapapalooban ng live-fire exercise sa karagatang sakop nito.
Ayon naman sa pamahalaan ng Taiwan, simula bukas, April 5, magsasagawa ang iba’t-ibang command nito ng simulated military operations kung saan ang sentro nito ay laban sa Chinese People’s Liberation Army (PLA) forces.
Ang military simulation ay sa iba’t-ibang kapasidad, tulad ng maiikling labanan hanggang to high-intensity conflict.
Ayon kay Taiwan Ministry of National Defense – Joint Operations Planning Division Director Major General Tung Chi-hsing, magtatagal ang gagawing drill hanggang Abril-18 kung saan bahagi nito ay ang posibleng paggamit sa Joint Theater Level Simulation Platform
Ang naturang drill ay inaasahang susubok sa abilidad ng mga Taiwanese commanders na gamitin ang kanilang mga military asset sa iba’t-ibang operasyon.
Inaasahang gagamitin sa naturang drill ang ilang mga military assets na binili ng Taiwan mula sa US tulad ng mga battle tanks, artillery rocket systems, guided missile, atbpa.