-- Advertisements --
Makakatanggap ng isang milyong doses ng COVID-19 mula sa AstraZeneca ang Vietnam kada linggo.
Ang nasabing hakbang ay para matugunan ang kanilang biniling 30 milyon doses ngayong taon.
Una ng nakatanggap ng 4.4 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang Vietnam at labis nilang pinagkakatiwalaan ang AstraZeneca.
Ang mga bakuna ay mula sa donasyon sa pamamagitan ng COVAX vaccine sharing scheme.
Umaasa ang gobyerno ng Vietnam na matatapos ang kabuuang 30 milyon doses ng bakuna hangagng 2021.
Isa ang Vietnam sa bansang may pinakamabagal na pagpapabakuna ng kanilang mamamayan kun gsaan mayroon lamang 121,681 na ang nabakunahan sa kabuuang 98 milyon populasyon kung saan 2.5 milyon katao na rin ang nakatanggap ng unang dose.