-- Advertisements --
Muli namang nagkumahog ang air force ng Taiwan matapos ang pagdaan ng walong eroplanong pandigma ng China sa kanilang air defense zone.
Ayon sa Taiwanese defense ministry na agad nilang sinita ang mga eroplano ng China at pinalayas sa kanilang nasasakupan.
Kinabibilangan ito ng anim na J-16 fighters, isang anti-submarine aircraft at isang surveilalnce aircraft.
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay may ilang insidente na rin ang paglipad ng eroplanong pandigma ng China sa kanilang air-defense system.
Iginigiit kasi ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan at kanilang inaalmahan ang pakikialam ng US.