-- Advertisements --

Nagbanta ng counter attack ang Tiawan sakaling pasukin ng Chinese fighters at warships ang territorial waters at airspace nito.

Sa gitna ito ng malawakang military drills na isinasagawa ng China sa palibot ng isla.

Ayon kay Major General Lin Wen-huang, director of operations and planning division, gagamit sila ng naval at air forces at coastal fire para harangin ang Chinese People’s Liberation Army forces na papasok 24 nautical mile o 12 nautical mile zones ng isla.

Posible ding mag-counter-attack ang Taiwan dahil sa drone incursions ng China kung saan una ng nagpakawala ng warning shots noong Martes ang Taiwan military sa unang pagkakataon upang maitaboy ang Chinese drone sa restricted area malapit sa Kinmen island.